Politika??
POLITIKA??
Ano ito at para saan?
Mahalaga para sa atin ang politika dahil ang politika ang nagpapasya kung paano pamamahalaan ang isang bansa. Ang mga desisyon at polisiya ng mga lider ay may malaking epekto sa buhay ng bawat isa. Halimbawa, ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at ibang aspeto ay nakasalalay sa mga patakaran ng politika.
Una, ang politika ay tumutulong para matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao. Halimbawa, ang mga batas na ipinatutupad ng gobyerno ay nagsisilbing gabay para mapanatili ang kaayusan at proteksyon ng mamamayan. Ang mga lider ay may tungkulin na tiyakin na ang mga serbisyong gaya ng edukasyon, kalusugan, at trabaho ay madaling maabot ng lahat.
Pangalawa, may malaking gampanin ang politika sa pagbuo ng maconnection sa ibang bansa. Ang mga polisiya tungkol sa kalakalan, seguridad, at mga kasunduan ay nakasalalay sa mga desisyon ng mga politiko. Kung maganda ang relasyon ng isang bansa sa iba, marami itong pagkakataon para sa kaligtasan at pag- unlad.
Pangatlo, ang politika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na pumili ng kanilang mga lider. Sa pamamagitan ng halalan, ang bawat isa ay may pagkakataong magbigay ng opinyon at pumili ng mga lider na magtutulungan para sa ikabubuti ng bansa. Ang demokratikong sistema ay nagbibigay ng boses sa bawat isa sa mga desisyon ng gobyerno.
Ang politika ay hindi lang tungkol sa mga lider at gobyerno, kundi pati na rin sa bawat isa sa atin bilang mamamayan. Ang mga hakbang at desisyon ng gobyerno ay nakakaapekto sa ating araw-araw na buhay. Kaya't mahalaga na maging aktibo at magpakita ng malasakit sa mga isyung pampulitika upang matiyak na ang mga hakbang ng gobyerno ay para sa kabutihan ng nakararami.
Comments